Balita

FEU, dedepensa sa UAAP juniors tilt

-

SISIMULAN ng Far Eastern University- Diliman ang kampanya sa back-to-back title kontra De La Salle-Zobel sa UAAP Season 80 juniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre. Magtutuos ang Baby Tamaraws at Junior Archers sa ikatlong laro ng four-game bill ganap na 2 ng hapon.

Sa iba pang laro, magtutuos ang National University, ginagabaya­n ng bagong coach na si Goldwyn Monteverde, kontra Univerity of the East ganap na 10 ng umaga.

Magtatagpo naman ang Ateneo at Adamson University ganap na 12 ng tanghali, habang ang University of Santo Tomas at UP Integrated School ay sasabak ganap na 4 ng hapon.

Magagabap naman ang paghaharap ng last year’s finalist Baby Tamaraws at Bullpups sa Dec. 3 sa Blue Eagle Gym.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines