8 sa 10 Pinoy aprub pa rin kay Digong
Ikinalugod ng Malacañang ang resulta ng huling survey ng Pulse Asia na nagsasabing si Pangulong Duterte ang pinaka-pinagkakatiwalaang chief executive simula noong panahon ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.
Ayon sa “Comparative Performance and Trust Ratings of Presidents (May 1999 to September 2017)” ng Pulse Asia, nakatanggap si Duterte ng 80-percent trust rating noong Setyembre 2017.
Sa third quarter survey ng Pulse Asia, mula Setyembre 24-30, walo sa 10 Pilipino ang nagsabing tiwala pa rin sila kay Duterte at kuntento sila sa paglilingkod nito.
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na natutuwa sila sa pag-aaral at sinigurong ipagpapatuloy ng Pangulo ang paglilingkod sa bayan.
“We are pleased with the people’s verdict giving President Rodrigo Roa Duterte 80% approval rating and 80% trust rating – the highest since the time of former President Joseph Ejercito Estrada,” sinabi ni Roque nitong Biyernes ng hapon.
“The President accepts this public appreciation with all humility, but regardless of survey results, PRRD and the members of his Cabinet would continue to work and advance public interests and build, as he said in numerous occasions, a nation worthy of the Filipinos,” dagdag niya.
Sa kabila nito, ang 80-percent rating ng Pangulo ay mas mababa kumpara sa 86 percent na kanyang nakuha sa nasabing panahon noong nakaraang taon.