Balita

77-anyos nalapnos sa Tondo fire

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Sugatan ang 77- anyos na lalaki nang lamunin ng apoy ang kanyang bahay sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuya­ng ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Edgardo Tongco, ng Trinidad Street, kanto ng Herbosa St., sa Tondo. Nalapnos ang kanyang mukha at magkabilan­g braso.

Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection, nagliyab ang bahay ni Tongco, kung saan mag- isa lamang siyang nakatira, dakong 1: 42 ng madaling araw.

Mabilis namang kumalat ang apoy sa tatlo pang katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Ayon kay Gemma Lumban, kapitana ng Barangay 92 na nakasasako­p sa lugar, kinatok niya, at ng ilang kasamahan sa barangay, si Tongco ngunit hindi agad ito nakakilos.

Tumagal ng mahigit isang oras ang sunog at umabot ng ikatlong alarma bago tuluyang naapula, dakong 3: 06 ng madaling araw.

Ayon sa Manila BFP, aabot sa P50,000 ang halaga ng natupok na ari-arian at anim na pamilya ang naapektuha­n.

Patuloy na iniimbesti­gahan ang sanhi ng sunog.

 ?? JUN RYAN ARAÑAS ?? MAY MATANDA SA LOOB! Nagtulung-tulong ang mga bumbero sa pagsagip sa matandang lalaki mula sa nasusunog niyang bahay sa Trinidad Street, sa Tondo, Maynila kahapon. Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog.
JUN RYAN ARAÑAS MAY MATANDA SA LOOB! Nagtulung-tulong ang mga bumbero sa pagsagip sa matandang lalaki mula sa nasusunog niyang bahay sa Trinidad Street, sa Tondo, Maynila kahapon. Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines