Pagpatay nu’ng 16 years old, ‘made in jest’ lang
DA NANG, Vietnam – Nagsasabi ba ng totoo si Pangulong Duterte o nagbibiro na naman?
Isiniwalat ng Pangulo nitong Huwebes ng gabi na may tao siyang sinaksak hanggang mamatay sa isang gang fight noong siya ay 16-anyos pa lang.
Inilahad ni Duterte ang naging pagkakasala niya noong kabataan niya upang patunayan na hindi siya natatakot na makulong sa kanyang agresibong kampanya laban sa droga.
“P***** ina, kapag ginawa mo sa Pilipino ‘yan hihiritan kita. Eh, ‘di ano, kulong? Ay sus! Kung noong teenager ako pasok, labaspasok ako sa kulungan. Rumble dito rumble ( roon),” sinabi ni Duterte sa harap ng Filipino community sa Da Nang nitong Huwebes.
“At the age of 16 may pinatay na ako, eh. Tao talaga, rumble. Saksak. Noon 16 years old iyon nagkatinginan lang,” kuwento pa niya.
Iginiit ni Duterte na kung hindi siya natakot na makulong noong kabataan niya, mas lalo na ngayong siya ang pinuno ng bansa.
“Lalo na ngayon, Presidente ako. You f*ck with my countrymen, hindi kita palulusutin. Bahala na kayong human rights,” aniya.
Nilinaw naman ng presidential spokesman na si Harry Roque Jr. na ang nasabing pahayag ng Pangulo ay “made in jest.”
“The President uses colorful language when with Pinoys