Balita

3,000 stranded sa ‘Salome’—PCG

- Beth Camia at Rommel Tabbad

Bagamat nabawasan na nang kaunti, mahigit 3,000 pa rin ang pasaherong na- stranded sa mga pantalan sa Southern Tagalog at Bicol kaugnay ng pananalasa ng bagyong ‘Salome’.

Sa monitoring kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG), aabot sa 1,663 pasahero ang stranded sa Southern Tagalog.

Maging ang 312 rolling cargoes, 27 barko, at 17 motorbanca din ang stranded.

Sa Bicol, nasa 1,349 na pasahero ang stranded, gayundin ang 291 rolling cargoes, 25 barko, at siyam na motorbanca.

Sa kabuuan, ayon sa PCG, nasa 3,012 pa ang stranded na pasahero sa mga pantalan sa Southern Tagalog at Bicol.

Samantala, tinanggal na ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA) ang lahat ng storm warning signal sa bagyong Salome.

Ayon sa PAGASA, bumubuti na ang lagay ng panahon maliban lamang sa northern Luzon, na inuulan pa rin.

Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 175 kilometro, kanluran ng Subic, Zambales.

Taglay nito ang lakas na 65 kilometer per hour (kph) at bugsong 80 kph.

Kumikilos ito pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Posibleng lalabas na ng bansa ang Salome ngayong Sabado ng umaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines