Balita

Noynoy nagpiyansa na

- Czarina Nicole O. Ong at Rommel P. Tabbad

Personal na nagtungo kahapon si dating Pangulong Benigno S. Aquino III sa Sandiganba­yan upang maglagak ng P40,000 piyansa sa mga kinahahara­p niyang kaso ng graft at usurpation of authority, na isinampa ng Office of the Ombudsman kaugnay ng engkuwentr­o sa Mamasapano, Maguindana­o noong 2015, na ikinasawi ng 44 na police commando.

Pasado 4: 00 ng hapon kahapon nang dumating sa Sandiganba­yan si Aquino kasama ang kanyang mga kapatid na sina Ballsy, Pinky, at Viel, gayundin ng mga kaalyado niya sa Liberal Party na sina Senators Bam Aquino at Franklin Drilon.

Naroon din ang mga dati niyang tagapagsal­ita na sina Atty. Edwin Lacierda at Atty. Abigail Valte, at ilang tagasuport­a niya na pawang nakasuot ng dilaw na T-shirt.

Naglagak ng piyansa ang dating Pangulo ilang oras makaraang ma-raffle ang kanyang kaso sa Sandiganba­yan Third Division, na pinamumunu­an ng kanyang appointee na si Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.

Sa isang panayam ng mga mamamahaya­g, iginiit ni CabotajeTa­ng na hindi siya mag-i-inhibit sa kaso at pananatili­hin niya ang kanyang neutrality.

“We will just apply the rules as we have done in the past, irrespecti­ve of the personalit­ies involved in the cases,” sinabi kahapon ni CabotajeTa­ng. “The fact will never influence whatever action we will take in the case. We will act objectivel­y based on what is before the court.”

Nahaharap din sa mga kaparehong kaso ang mga kapwa akusado ni Aquino na sina dating Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima, at dating Special Action Force (SAF) Director Getulio Napeñas, na lilitisin naman sa Sandiganba­yan Fourth Division.

 ??  ?? Dating Pangulong Aquino
Dating Pangulong Aquino

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines