Balita

Human rights summit sa ‘Pinas, alok ni Duterte

- Genalyn D. Kabiling

DA NANG, Vietnam — Handa ang Pilipinas na maging punong abala ng isang pandaigdig­ang pagtitipon sa proteksiyo­n ng mga karapatang pantao, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes.

Binabatiko­s sa kanyang madugong kampanya kontra droga, nagpanukal­a ang Pangulo ng “world summit on human rights” na mag-iimbestiga rin sa mga paglabag sa karapatang pantao ibang bansa, hindi lamang sa Pilipinas.

“Let’s have a summit of how we can protect the human rights for all human race,” sinabi ni Duterte sa isang press conference matapos makipagpul­ong sa mga Filipino community Huwebes ng gabi sa Da Nang, Vietnam.

Iginiit ng Pangulo na dapat imbestigah­an ang lahat ng human rights violations na nagawa ng mga gobyerno.

Nagreklamo si Duterte sa imbestigas­yon na nakatuon lamang sa mga diumano’y pang-aabuso sa karapatan ng kanyang gobyerno, sinabing ang ibang bansa gaya ng United States ay nakagawa rin ng mga pagkakamal­i. Sinabi niya na ang kanyang diumano’y mga paglabag sa karapatang pantao ay “just a small list” kumpara sa mga pangaabuso na nagawa ng ibang western nations.

“Let us investigat­e all violations of human rights committed by all government­s. I said, just because it happened 40 years ago, it happened 100 years ago. When it was wrong then, it is definitely still wrong now,” aniya.

“Bakit pag-usapan natin ‘yung Pilipinas? What makes the death of people in the Philippine­s more important than the rest of the children in the world that were massacred and killed. ‘Di ba? So we should call a summit and I can, I will volunteer to make the Philippine­s the venue,” dagdag niya.

Sinabi rin ng Pangulo na balak niyang imbitahin si UN special rapporteur Agnes Callamard at tatanungin kung bakit masyado itong nakatutok sa drug war sa Pilipinas sa kabila ng maraming kaso ng karahasan sa ibang panig ng mundo.

“I would call first Callamard. I have not heard you comment on the so many killings, the victims of bombs and of violence there in the Middle East,” aniya.

“Why are you so fascinated with drugs? And you also should take note that there are plenty of Americans who died because of drugs,” dagdag niya.

Bago ang panayam sa media, nagbanta ang Pangulo na sasampalin si Callamard kapag inimbestig­ahan nito ang mga diumano’y summary killings na iniugnay sa kanyang giyera kontra droga.

“Sabi ko, p**** i*ang ito! Kaya sabi ko kay Callamard, ‘kung imbestigah­in mo ako, sampalin kita,” ani Duterte.

Naniniwala ang Pangulo na hindi siya magkakaroo­n ng patas na pagdinig sa UN envoy. “How can I get a fair hearing, if you yourself does not even read the publicatio­ns of your mother organizati­ons, the United Nations, under it, is the Human Rights Commission,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines