Balita

Mayayamang bansa ‘di tumutupad sa pangako

-

PARIS (AFP) – Ang kabiguan ng mayayamang bansa na tuparin ang kanilang short-term climate commitment­s ay maaaring maging hadlang sa pagpapatup­ad sa makasaysay­ang kasunduan, babala ng samahan ng 134 na umuunlad na bansa, nitong Huwebes sa UN negotiatio­ns sa Bonn.

Binigyang-diin ng diplomatic spat ang hirap na maabot ang consensus sa pag-uusap ng 196 na nasyon.

‘’If we do not respect decisions that we have made, then how can we build trust among the parties?’’ ani Chen Zhihua, senior negotiator ng China. Ang kanyang tinutukoy ay ang matagal nang pangako ng mayayamang bansa na dadagdagan ang suportang pinansiyal at rerepasuhi­n ang mga target sa pagbawas sa greenhouse gas emissions bago mag-2020.

‘’And how can we lay a good foundation for the implementa­tion of the Paris Agreement?’’ dagdag niya sa press conference, habang pinalilibu­tan ng mga diplomat mula sa India, Iran, Nicaragua at Ecuador.

Ang kasunduan, nilagdaan sa labas ng French capital noong 2015, ay nananawaga­n sa mundo na limitahan ang global warming sa ‘’well below’’ two degrees Celsius (3.6 degrees Fahrenheit), at 1.5 C kung posible.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines