Balita

Geotagging sa DPWH projects

- Mina Navarro

Gagamit na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng “geotagging technology” sa pagmo-monitor sa mga proyekto ng gobyerno upang malaman kung talagang natatapos ang mga ito sa tamang lugar at para masugpo ang “ghost projects.”

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, lahat ng project at monitoring engineers ng Regional at District Engineerin­g Offices ng kagawaran ay kukuha at magpapadal­a ng geotagged na litrato ng mga ito bago magsimula, habang ginagawa, at kapag natapos na ang proyekto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines