Balita

Binata patay sa hit-and-run

- Orly L. Barcala

Nabaling mga buto sa katawan at nabasag na bungo ang sanhi ng pagkamatay ng isang binata, matapos ma-hit-and-run habang tumatawid sa pedestrian lane sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay SPO4 Ritchie Garcia, officer-in-charge ng Vehicle Traffic and Investigat­ion Unit (VTIU) ng Valenzuela Police, dead on the spot si Novie Macoco, 27, ng No. 119 Morang Street, Barangay Malinta ng nasabing lungsod.

Sa kuha ng closed- circuit television (CCTV) camera, tumawid ang biktima sa pedestrian lane sa Mac Arthur Highway, Encarnacio­n St., Bgy. Dalandanan, Valenzuela City, dakong 1:50 ng madaling araw.

Nasa gitna na ng kalsada si Macoco nang sumulpot ang puting van (plate number: for dropping) at sinalpok ang biktima.

Sa lakas ng pagkakasal­pok, tumilapon ang biktima at nabagok.

Kinikilala na ang driver ng van.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines