Balita

Mag-live-in partner kulong sa carnapping

- Bella Gamotea

Arestado ang mag-live-in partner na umano’y sangkot sa pagnanakaw ng dalawang mamahaling sasakyan sa Las Piñas City, nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Mary Anne Balo, 30; at Joey Taloso, 31, kapwa ng Block 35 Lot 7, Phase 1, Cyber Green Sunrise, General Trias, Cavite.

Sa ulat ng Las Piñas City Police, inaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ang mga suspek sa kanilang bahay, bandang 5:00 ng hapon.

Sa bisa ng warrant of arrest, na inisyu ni Las Piñas Regional Trial Court ( RTC) Branch 275 Judge Phoebe Meer, naging matagumpay ang pag- aresto sa mga suspek para sa kasong carnapping.

Modus umano ng mga suspek na umarkila o magrenta ng magagandan­g sasasakyan at kanilang tatangayin at ibebenta.

Nakatakdan­g sampahan ang mag-live-in partner ng kasong paglabag sa Anti- Carnapping Act of 2016.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines