Balita

Niloko ako ng NBI para sa online propaganda—Hamidon

- Jeffrey G. Damicog

Matapos paulit-ulit na mabigo ang gobyerno sa pagtugis sa kanya sa umano’y pakikipag-ugnay sa mga terorista, sinabi ni Karen Aizha Hamidon na nilinlang siya ng undercover agent ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) para mag-post ng online propaganda at maghikayat ng dayuhan at Pilipino na sumapi sa teroristan­g grupo na Maute and the Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa bakbakan sa Marawi City.

“I vehemently deny the charges against me because there was an Instigatio­n on my part which is illegal. The acts allegedly committed were not done voluntaril­y and against my will and caprice,” nakasaad sa kanyang counter- affidavit na isinumite niya sa Department of Justice (DoJ) kahapon.

Dahil dito, ipinababas­ura ni Hamidon, ang misis ng napatay na si Ansar Khalifa Philippine­s (AKP) leader Mohammad Jaafar Maguid, alyas Tokboy, ang kasong kriminal na isinampa ng NBI laban sa kanya para sa rebelyon o 296 counts of inciting to rebellion.

Ang AKP ang kinilalang grupong nasa likod ng pambobomba sa Davao City night market, na isinagawa sa tulong ng Maute, noong Setyembre 2016 at ang tangkang pagpapasab­og sa United State Embassy sa Maynila noong Disyembre 2016. Namatay si Maguid sa engkuwentr­o sa mga pulis sa Saranggani noong Enero.

“The fact that the respondent became the wife of the leader of AKP made her life to be of special interest to arresting persons,” nakasaad sa counter-affidavit.

“Please note that Karen has been captured before for three times already and in all those arrests, she was released because there was no evidence against her person. Such that the arresting officers made a way to incriminat­e Karen for them to have evidence against her,” diin pa rito.

Bago inaresto ng NBI sa kanyang bahay sa Taguig City noong Oktubre 11, sinabi ni Hamidon na siya ay kinontak, sa pamamagita­n ng Facebook, ng isang JA noong Setyembre 2016.

Sinabi niya na si JA, na gumamit ng profile photo the picture ni Junaid Hussain Al Bitani, ang Briton na namatay sa Syria noong 2015, ay nagpakilal­ang Murabit, isang Ribat-Mujahid o Muslim soldier, na nakatalaga­ng guwardiyah­an ang hangganan ng Lanao, Minandanao at Katimugang bahagi ng Pilipinas.

Sa kanilang pag-uusap sa chat group na “Salungat ng Taghut” sa social media app na Telegram, sinabi niyang “he tried to gain my trust and confidence.”

Noong Oktubre 11, ipinangako sa kanya ni JA na ipapadala ang wifi gadget at ilang Globe sim cards sa pamamagita­n ng Grab Express.

Noong araw ding iyon, sinabi niya na inaresto siya ng mga NBI agent na unang nagpakilal­a bilang mga taga-Grab Express.

“It must be well noted that respondent Karen was cajoled and seduced into doing several acts by JA. In fact, she was instructed and told to post messages in Telegram by JA against the will of the respondent which negates felonious intent,” sabi ni Hamidon.

 ??  ?? Hamidon
Hamidon

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines