Balita

6 nalason sa kakaning pastil

- Fer Taboy

Anim na katao ang isinugod sa ospital makaraang malason sa kinaing kakanin na pastil sa Cotabato City, bandang 9:15 ng gabi nitong Huwebes.

Kinilala ang mga biktimang sina Jonathan Cho, 44; Jocelyn Cho, 13; Jumar Cho; Jocelyn Lumoya, 39; Judiya Lumoya, 8; at Ruben Lumoya, pawang taga-Malagapas Area sa Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City. Kumain umano ang mga biktima ng tirang panindang pastil nang biglang sumakit ang kanilang tiyan at nagsuka. Agad na isinugod ang mga biktima sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC). Isang kakanin sa Cotabato na karaniwang binabalot sa dahon ng saging at may halong giniling na adobong manok, posible umanong panis na ang pastil na kinain ng mga biktima, ayon sa awtoridad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines