Balita

Ilan sa ‘narco-mayors’ dumepensa

- Franco Regala,

ANGELES CITY, Pampanga - “It is an utterly absurd charge, and I challenge the Napolcom (National Police Commission) to immediatel­y file charges against me if it has an iota of evidence that I am involved in drugs.”

Ito ang nakasaad sa pahayag kahapon ni Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan matapos siyang mapabilang sa huling 18 alkalde na tinanggala­n ng Napolcom at Department of Interior and Local Government (DILG) ng police powers dahil sa pagkakasan­gkot umano sa bentahan ng ilegal na droga.

Giit ni Pamintuan, kasalukuya­ng presidente ng League of Cities of the Philippine­s (LCP), ang pagkakasam­a niya sa listahan ng mga tinagurian­g “narco-politician” ay hindi lamang nakasira sa kanyang imahe, kundi maging sa reputasyon ng Angeles City.

Kilalang kaalyado ni Pangulong Duterte at consistent awardee bilang isa sa “world’s best mayors”, umapela si Pamintuan sa Napolcom “[to] be cautious and more circumspec­t” sa pagtukoy sa mga opisyal na sangkot sa droga.

Itinanggi rin nina Bataraza Mayor Abbraham Ibba at El Nido Mayor Nieves Cabunalda-Rosento, kapwa ng Palawan, na “drug protectors sila.”

“Ang masasabi ko lang d’yan, pagdating sa drugs, nauna pa akong sumunod sa nais ni Pangulong Duterte na labanan ang drugs dito sa Bataraza. Marami na akong napahuli, napakulong dahil sa drugs. Masakit ito sa atin,” sabi ni Ibba.

Komento naman ni Rosento: “Una, wala pa po tayong na-receive na opisyal na papel bagamat kahapon ay nakita na natin ito sa ilang mga news. Noong una, tayo po syempre ay nagulat po. Wala naman po tayong mga kinalaman sa mga bagay na ito, and alam naman po ng mga kababayan natin yan, that we are innocent with this accusation.” Kapwa sila nagpahayag ng kahandaang magtungo sa Napolcom upang linisin ang kanilang pangalan laban sa mga alegasyon.

Samantala, umabot naman sa mahigit 7,000 katao ang nakiisa sa “Walk of Truth” sa Tanauan City, Batangas kahapon ng umaga upang magpakita ng suporta kay Mayor Antonio Halili, na kabilang din sa mga alkaldeng binawian ng police powers.

“Ito po ay pagpapakit­a ng suporta sa aming butihing mayor, at hindi kami naniniwala sa mga paratang laban sa kanya. Kusang-loob po naming ginawa ito, at sana ay lumabas ang katotohana­n,” sabi ni City Federation of Tricycle Operators and Drivers Associatio­n (TODA) Chairman Apolo Robles.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines