Balita

Inalon habang nagse- selfie, nalunod

- Light A. Nolasco

BALER, Aurora - Patuloy ang search at rescue operations ng mga awtoridad sa isang medical technologi­st na tinangay ng alon nitong Miyerkules sa tapat ng isang beach resort sa Sitio Diguisit, Barangay Zabali, Baler, Aurora habang nagse-selfie sa rock formation sa lugar.

Kinilala ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Chief Gabriel Llave ang biktimang si Justine Paul Delos Santos, 27, medical technologi­st sa Dr. Jose Rodriguez Memorial High School Hospital sa Caloocan City, at tubong Quezon City.

Nagse-selfie umano sa lugar ang biktima kasama ang mga kasamahan sa trabahong sina Bryan Lee Gonzales, 26; Mayabell Malapitan, 27; at Bryan Moscada, 22, nang bigla umano silang dinaluyong ng malaki at malakas na alon. Nagkahiwa-hiwalay umano sila hanggang nawala si Delos Santos. Habang sinusulat ang balitang ito ay nagpapatul­oy pa ang retrieval operation ng MDRRMO, pulisya, Philippine Coast Guard, at rescue volunteers sa biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines