Balita

Binantaan ng bulak sa ilong, nanaksak

- Leandro Alborote

VICTORIA, Tarlac - Nauwi sa saksakan ang inuman sa Sitio Polipol, Barangay Maluid, Victoria, Tarlac, makaraang pagbantaan­g magkakaroo­n ng “bulak sa ilong” ang isang 53-anyos na lalaki, nitong Huwebes ng hapon. Nagtamo ng saksak sa iba't ibang parte ng katawan si Joselito “Popo” De Luna, 53, may asawa, magsasaka, at residente sa nasabing barangay.

Sa report ni SPO1 Sonny Abalos, kinilala ang suspek na si Marcelino “Saddam” Cunan, 24, constructi­on worker, at residente rin sa nasabing barangay.

Nakikipag-inuman umano noon si Cunan sa kanyang mga kaibigan nang biglang dumating si De Luna at binantaan si Saddam na bibigyan niya ng “bulak sa ilong”. Napahiya umano ang suspek kaya kumuha ng ice pick at pinagsasak­sak ang biktima. Boluntaryo­ng sumuko sa pulisya ang biktima na nahaharap sa kasong frustrated murder.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines