Balita

2 tanod ginulpi sa pangongole­kta ng abuloy

- Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac - Dalawang barangay tanod ang iniulat na ginulpi ng tatlo nilang kabarangay na nagreklamo sa pangongole­kta nila ng abuloy sa Barangay San Juan, Concepcion, Tarlac, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Villamor Olarte, 50, chief tanod; at Domingo Garcia, 50, kapwa tanod ng Bgy. San Juan, habang ang mga suspek ay sina Bryan Andajer, 20; Rommel Baluyut, 25; at Raymart Baluyut, ng Bgy. San Juan.

Napag-alaman na dakong 8:00 ng gabi nang biglang lumusob ang tatlong suspek sa Barangay Hall ng San Juan at pinagmumur­a ang dalawang tanod dahil sa paniningil umano ng abuloy sa patay hanggang sa pagtulunga­ng gulpihin ang mga tanod.

Kaagad namang rumesponde ang pulisya at inaresto ang tatlong suspek na nahaharap ngayon sa direct assault at alarm and scandal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines