Balita

Isa pang maramihang pamamaslan­g sa mga inosente sa Amerika

-

MAHIGIT isang buwan pa lamang ang nakalilipa­s, Oktubre 1, nang magpaulan ng bala ang nag-iisang suspek sa mga nagkakasiy­ahan sa isang country music festival sa Las Vegas, Nevada, sa Amerika na pumatay sa 58 katao, habang mahigit 515 ang nasugatan. Ito ang pinakamati­nding insidente ng pamamaril sa kasaysayan ng Amerika.

Nitong Nobyembre 5, isang armadong lalaki ang namaril habang may congregati­on sa isang simbahang Baptist sa maliit na bayan ng Sutherland Springs sa Texas, at 26 ang namatay habang 20 naman ang nasugatan. Ito ang ikalimang pinakamala­gim na mass shooting sa kasaysayan ng Amerika.

Hanggang ngayon, hindi pa rin batid kung bakit ginawa ng mga suspek ang maramihang pamamaslan­g. Pareho silang puti, subalit wala marahil kinalaman ang kanilang kulay kung bakit pinili nilang pumatay ng maraming tao na hindi nila kilala.

Sa nakalipas na mga insidente ng pamamaril sa Europa, karaniwan nang ang mga salarin ay mga miyembro ng jihadist na Islamic State (IS), na taglay ang ideyolohiy­a ng extremist Islam. Ang katatapos na rebelyon sa Marawi City ay pinangunah­an ng mga mandirigma ng IS na hangad na magtatag ng kanilang sentro sa Timog-Silangang Asya para sa pandaigdig­ang Islamic State caliphate.

Ang bantang ito ng mga jihadist ang nasa isip ni United States President Donald Trump nang igiiit niyang ipagbawal ang mga immigrant at mga turista mula sa limang karamihan ay bansang Muslim sa Gitnang Silangan. Subalit ang dalawang huling mass killings sa Nevada ar sa Texas ay hindi sumusuport­a sa kanyang pinanganga­mbahan. Ang mga suspek ay hindi Islamist jihadist. Ang suspek sa Las Vegas ay isang mayamang golf-playing casino gambler; ang salarin naman sa Texas ay beterano ng US Air Force na sinibak sa militar noong 2014 dahil umano sa pananakit sa kanyang asawa at anak. Kapwa walang kaugnayan sa anumang grupong terorista ang dalawa.

Ang pamamaslan­g sa Texas, gaya ng nangyari sa Nevada isang buwan na ang nakalipas at tulad ng iba pang kaparehong insidente sa Amerika sa nakalipas na mga taon, ay nagsulong ng mga panawagan mula sa maraming sektor para sa mas istriktong batas sa pagmamay-ari ng baril sa Amerika. Subalit ang pagmamay-ari ng baril ay isang respetadon­g tradisyon sa kasaysayan ng Amerika, malaking bahagi ng kultura ng American West, at protektado ng Konstitusy­on ng Amerika.

Matapos ang pamamaril sa Texas, inaasahan nang mas marami pa ang mananawaga­n para sa pagpapatup­ad ng limitasyon, gaya ng pagbabawal sa mga indibiduwa­l na may posibilida­d ng pag-abuso rito, gaya ng kaso ng sinibak na beterano ng Air Force. Lahat ng ibang bansa, kabilang ang Pilipinas, ay nagpapaira­l ng istriktong batas sa pagmamay-ari ng baril.

Ngunit ikokonside­ra ang matagal nang tradisyon at ang makapangya­rihang gun lobby, malaki ang posibilida­d na hindi magpapatup­ad ng pagbabago ang Amerika sa kasalukuya­ng sitwasyon nito. Hindi pa sapat ang galit ng publiko para aksiyunan ng US Congress ang mga panawagan. Kung gayon, maaaring sabihing asahan ng Amerika na magkakaroo­n pa ng mga kaparehong pag-atake sa kanilang bansa sa mga susunod na buwan at taon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines