Balita

Santiago katatalaga pa lamang, dinismiss na

- Ric Valmonte

HINDI pa nagtatagal ang pagkakatal­aga kay Ret. Gen. Dionido Santiago bilang Chairman ng Dangerous Drug Board, pinagbitiw na siya ni Pangulong Duterte kamakailan. Hindi nagustuhan ng Pangulo ang kanyang paghamak sa mega rehabilita­tion facility sa Kampo ng Army sa Laur, Nueva Ecija na “mistake and impractica­l” ito. Sa panayam sa kanya sa telebisyon, sinabi niya na magastos ang pagmamanti­ne nito. Bakit nga ba hindi, eh 100,000- square meter ang lawak nito at may 10,000 bed capacity. Marami nga namang empleyado, instrument­o at kagamitan ang kinakailan­gan upang mahusay na mapatakbo. Mas magandang nagamit daw ang pondo sa pagpatayo at pagmamanti­ne nito sa community- based rehabilita­tion center. “Wala namang dahilan na batikusin ang mega rehab center”, sabi ng bagong spokespers­on ng Pangulo na si Harry Roque, “walang namang salapi ng gobyerno ang nagamit para magawa ito.” Ang mega rehabilita­tion facility ay naitayo sa pondong ipinagkalo­ob ng isang negosyante­ng Intsik.

Totoo, pondo ng dayuhan ang ginamit para sa mega rehabilita­tion facility, pero, paano ang pagmamanti­ne nito? Ang mahalaga, epektibo ba nitong matutuguna­n ang layunin kung bakit ito itinayo? Pinapaniga­n ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David si Gen. Santiago sa pagsasabi na ang mas maliit na rehab center na nakabatay sa pamayanan ay higit na epektibo para mabawasan ang mga nalulong sa droga. Binanggit niyang halimbawa ang mga kasalukuya­ng community-based rehab center na naipundar sa pagtutulun­gan ng pamahalaan­g lokal at ng Diocese ng Caloocan. Ang layunin ng mga ito, aniya, ay tulungan ang mga gumagamit ng droga na iwan na ang bisyo sa tulong ng kanilang pamilya, kapitbahay, kaibigan at patuloy na pagsubayba­y sa kanila sa pamamagita­n ng group meeting tulad ng Narcotics Anonymous Program.

Ayon kay Bishop, anim na grupo na ang nagtapos mula nang magsimula ang rehab program noong Oktubre ng nakaraang taon. Nito lamang Oktubre 20, nasa 150 ang nagtapos sa programa, ayon sa kanya. Dahil nagawa na ang mega rehab center, aniya, puwede na itong gamitin para sa mga sumuko sa drug war na kailangan ang in-house rehabilita­tion.

Itinayo ng Pangulo ang mega rehab center nang batikusin siya sa mga pagpatay sa umano’y mga sangkot sa droga. Hindi lang pagpatay ang nais niyang ipalabas kundi ang bigyan ng pagkakatao­n na magamot at magbago ang mga nalulong sa bisyo.

Kaya, bakit hindi magagalit ang Pangulo gayong minamaliit o hindi pinapahala­gahan ang hakbang niyang ito sa paglapat ng lunas sa problema. Eh, kinampihan pa si Gen. Santiago ni Bishop David na bagong bisepresid­ente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s, na matindi kung batikusin ang war on drugs ng Pangulo. Bukod dito, ipinakita pa ng Bishop na sa ginagawa nila sa Caloocan, upang mapagaling ang mga nalulong sa droga, talagang mali at hindi praktikal ang mega rehabilita­tion center na ipinagawa ng Pangulo.

Hindi ko na alam ngayon kung ano ang ibig sabihin ni Gen. Santiago, nang hingan siya ng paliwanag kung bakit siya pinagbitiw, na ang Pangulo ang higit na nakaalam kung ano ang mas mabuti.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines