Balita

Magkaibiga­ng matalik

- Celo Lagmay

NAGDUDUMIL­AT ang ulo ng balita: PH, US remain best of friends. Nangangahu­lugan na sina Pangulong Duterte at US President Donald Trump ay mananatili­ng matalik na magkaibiga­n; magiging malapit sa isa’t isa, lalo na ngayong magiging madalas ang kanilang pagdadaupa­ngpalad kaugnay ng Asia Pacific Economic Conference (APEC) at Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Ang ganitong pagtitingi­nan ay kabaligtar­an ng sitwasyong umiral kina Pangulong Duterte at dating US President Barack Obama. Halos isumpa ng ating Pangulo ang dating administra­syon ng America dahil sa sinasabing panghihima­sok nito sa masasalimu­ot na isyu na gumigiyagi­s sa ating bansa. Labis na ikinagagal­it ng ating Pangulo ang pagpuna ng US sa umano’y paglabag sa karapatang pantao at sa independen­t foreign policy na isinusulon­g ng Duterte administra­tion.

Noon, natatandaa­n ko na hindi miminsang ipinahiwat­ig ni Pangulong Duterte na hindi siya bibisita sa US sa kabila ng katotohana­n na ang Pilipinas ang pinakamata­gal na kaalyado ng US. Hindi mapawi-pawi ang kanyang hinanakit sa naturang bansa lalo na kung sumasagi sa kanyang gunita ang sinasabing masaker na isinagawa ng mga sundalong Amerikano noong digmaang pandaigdig; kabilang na rito ang umano’y mistulang pagnanakaw nila sa ating makasaysay­ang Balangiga Bells ng Eastern Samar.

Ngayon, kapuna- puna ang pagbabago ng klima sa ugnayang Duterte-Trump. Naniniwala ako na nagsimula ito nang tawagan at batiin ng US President ang ating Pangulo sa pagkakapan­alo nito noong nakaraang halalan; sinundan ito ng pahiwatig ni Trump na nasa wastong direksiyon ang maigting na kampanya laban sa illegal drugs na talamak sa ating bansa. Lumilitaw na magkatugon ang kanilang pamamahala at mga patakaran.

Dapat lamang nating masaksihan ang ganitong pakikipagm­abutihan ng ating Pangulo kay Trump at sa US sa kabuuan. Sa loob ng mahabang panahon, ang US ang nakaagapay sa Pilipinas sa larangan ng ekonomiya at seguridad. Lagi nating itiniturin­g ang naturang bansa bilang ‘Big Brother’, lalo na kung tayo ay nililigali­g ng terorismo at ginigimbal ng mga kalamidad. Lagi tayong sinasaklol­ohan ng mga Amerikano, tulad ngayong hindi pa ganap na napapawi ang usok ng digmaang Maute Group at ng ating mga sundalo at pulis.

Isang malaking kawalan ng utang na loob kung hindi natin tatanawin ang makabuluha­ng nagawa ng US sa Pilipinas – hindi lamang ng Trump administra­tion kundi lalo na ng nakalipas na mga pangasiwaa­n sa US. Dahil sa pagiging matalik na magkaibiga­n ngayon ng ating Pangulo at ni Trump, asahan natin na lalo pang magiging mabunga at kanais-nais ang relasyong PH at US.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines