Balita

Millennial Mom Goals bagong title ng netizens kay Kris Bimby, Kris at Josh

- --Nitz Miralles

MAY bagong title na ikinakabit ang netizens kay Kris Aquino, ang Millennial Mom Goals -- dahil sa mahusay at dedicated niyang pag-aalaga sa mga anak na sina Josh at Bimby kahit mag-isa lang siya. Idol siya ng mga kagaya niyang single mom dahil kahit busy, natututuka­n pa rin ang mga anak.

Hindi pa natatanong si Kris tungkol sa reaction niya sa bagong title, pero siguradong natutuwa ito at isa na ito sa pinakagust­o niyang titulo dahil ang pagiging ina niya ang basehan. Maraming netizens nga ang humihingi ng tips kung paano maging kagaya niya.

Anyway, nakabalik na sa bansa ang mag-iina, pero binabalik-balikan pa rin ng kanyang fans/followers ang mga post niya sa Instagram (IG) noong nasa New York sila. Natuwa at natawa silang basahin ang post ni Kris noong magkasakit si Bimby at kung paano niya ito inaalagaan at kung anong gamot ang kanyang ibinigay.

Pinaka-enjoy ang fans/followers ni Kris sa post niyang sinabi ni Bimb na siya ang “best mama ever” dahil sa pag-aalaga sa kanya kahit walang yaya na tumulong sa kanya.

“Pagpasensy­ahan n’yo na kami -- for Bimb big

deal na ‘yun because he saw me washing pans, plates, utensils & mugs last night & being OC about cleaning the kitchenett­e & organizing the ref.”

Nabanggit din minsan ni Kris sa isa pa niyang post na kaya niyang maglaba sa washing machine, pero hindi niya kayang maglaba ng mattress, beddings at pantalon nina Josh at Bimb dahil mahahaba.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines