Balita

31st PMPC Star Awards for TV, bukas na ang Gabi ng Parangal

- Ni JIMI ESCALA

LABANAN ng mahuhusay na programa, artista, hosts, mga tagapagbal­ita at iba pang mga manggagawa ang magaganap sa isang makulay at maningning na Gabi ng Parangal ng 31st PMPC Star Awards For Television. Gaganapin ito sa ika-12 ng Nobyembre, 2017, sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University. Magsisilbi­ng hosts ang magkapatid na Ruffa at Richard Gutierrez, kasama sina Jodi Sta. Maria at Robi Domingo. Sa opening, aawitin nina Ronnie Liang, Jason Dy, Kris Lawrence, Radha at Jessa Zaragosa ang theme songs ng mga nominadong teleserye. Isang song and dance number (boy band songs) naman ang handog ng millennial­s na sina Elmo Magalona at Janella Salvador, kasama ang Boyband.Ph.

At bilang tribute sa Ading Fernando Lifetime Achievemen­t Awardee na si Vic Sotto, hahandugan siya ng awitin nina

Vina Morales at The Company. Ipagkakalo­ob ang Excellence In Broadcasti­ng kay Martin

Andanar; Longest Running Daytime Drama Anthology ang Maynila at German Moreno Power Tandem ang dalawang sikat na loveteam na JoshLia ( Joshua Garcia & Julia Barretto) at JakBie ( Jak Roberto & Barbie Forteza).

Mula sa pamunuan ng pangulong si Fernan de Guzman, mga opisyal at miyembro, ang 31st PMPC Star Awards For Television ay handog ng Airtime Marketing Philippine­s, Inc. ni Tess Celestino at sa direksiyon ni Bert de Leon. Mapapanood ang kabuuan ng show sa ABS-CBN’s

Sunday’s Best, sa November 19, 2017.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines