Balita

Karakter ni Alexa sa ‘The Good Son,’ imaginary friend lang ni Calvin/Nash?

- —Reggee Bonoan

“SI Calvin ( Nash Aguas) sa The Good od Son ay nababaliw na at imaginary friend lang pala la si Justine ( Alexa Ilacad), ha-ha-ha!” Ito ang mensahe sa amin ng mga kakilala akilala naming nanonood ng serye sa ibang bang bansa. Siyempre naguluhan kami kasi asi hindi naman baliw ang tingin namin sa character ni Nash, at higit sa lahat ay normal naman siyang nakakausap ng pamilya niya lalo na si Joseph ( Joshua ua Garcia).

At ipinakilal­a na rin ni Calvin si Justine sa mommy niyang si Olivia a ( Eula Valdez), ‘ yun nga lang hindi siya pabor na maging magkaibiga­n ang dalawa.

Ipinagtata­ka rin namin kung bakit walang kaibigan at hindi ipinapakit­a ang magulang ni Justine, so posible nga kayang imaginary friend nga siya, ano sa palagay mo, Bossing DMB?

( Ha? Bagong element ito ng Pinoy teleserye, ah. ‘Di ko masyado nasusubayb­ayan ang The Good Son, kailangan kong tutukan para makapagkom­ento ako ng maayos. --DMB)

Dagdag ng isang naka-chat namin sa nasa Milan, Italy “Hindi lang matanggap ni Eula (Olivia) na nababaliw na anak niya. At si Calvin ang pumatay kay Vittorio na anak ni Dado ( Jeric Raval).”

Hala, lalo na kaming naguluhan! Sino naman si Vittorio? Parang hindi naman yata nababanggi­t sa kuwento o hindi lang namin nasusubayb­ayan ang The Good Son?

Hirit namin, paano nalamang si Calvin ang pumatay kay Vittorio o kung sinuman ito? “Eh, kung ipinakita, eh, di tapos na istorya.” Teka, hindi ba’t ang dapat lutasing kaso ay kung sino ang pumatay kay Victor ( Albert Martinez), paano napasok si Vittorio at tapos na ang istorya kapag ni-reveal. Hmmm, h hindi kaya itong kakilala naming taga- Italy ang a may katsikang imaginary friend na taga- ta The Good Son? Pero n nagtataka rin kami kung bakit feeling close clo si Dado kay Olivia at pilit na umiiwas lang la ang huli kapag hinahawaka­n na siya. A Ang iniisip naman namin ay baka anak ng driver nila si Calvin kaya ganu’n na lang lan ang concern ng una. S Samantala, may panibagong anggulo angg na naman kung sino ang suspect susp sa pagpatay kay Victor, si Donya Don Matilda ( Liza Lorena) dahil ipinakita ipi sa flashback na galit na galit siya sa manugang niya nu’ng malamang nambabae ito bukod pa sa pinalitan siya bilang presidente ng kumpanyang pag-aari ng namayapang asawa. Naging adik kasi sa sugal si Donya Matilda kaya napabayaan ang kumpanya at si Victor ang humalili at muling nagpalago nito. Ipinakita rin na may nakatagong lason si Donya Matilda na hindi naman klinaro kung para kanino at kung saan niya gagamitin. Malaki ang naging utang ni Donya Matilda sa kasusugal niya kaya ang apong si Enzo ( Jerome Ponce) at nadamay pa si Joseph sa pagdukot ng mga naniningil sa kanya at napilitang magbigay ng malaking halaga sina Olivia para mabawi ang mga anak nila ni Raquel ( Mylene Dizon).

Anyway, curious kami kung ano ang magiging reaksiyon nina Enzo, Olivia at Donya Matilda na nagkuwento na si Joseph kay SPO1 Colmenares kung ano ang mga narinig niya habang bihag sila ng mga dumukot sa kanila.

Lalong lumalalim ang kuwento ng The Good Son, ha?

 ??  ?? Alexa at Nash
Alexa at Nash

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines