Balita

Sylvia, bumabaril sa bagong serye

- Kip Oebanda. Ni REGGEE BONOAN

HINDI na All That Matters ang titulo ng bagong teleserye nina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde kundi Hanggang Saan na mas bumagay dahil ang kuwento ay tungkol sai ina na nagsasakri­pisyo para sa mga anak at kung ano ang kaya nilang gawin. Palaisipan sa amin ang trailer ng Hanggang Saan na may hawak na baril si Sylvia at ipinakitan­g ipinutok ito. Sino ang binaril at bakit may ganoong eksena ang aktres? Maraming kababayan natin sa ibang bansa na naging followers ng The Greatest Love and nagtatanon­g kung kailan ang airing ng Hanggang Saan at kung anong oras. Excited sila na muling mapanood si Sylvia sa telebisyon na mula sa pagiging Mama Gloria ay Sonya na ang bagong karakter.

Tumatak nang husto sa lahat ang karakter ni Sylvia sa The Greatest Love kaya tuwing nakikita siya ay ito pa rin ang tawag sa kanya. Pero kapag umere na ang Hanggang

Saan, tiyak na mababago na ang pangalang itatawag kay Ibyang.

Malapit nang umere ang serye kaya back to ngaragan ang schedule ni Ibyang. Ilang araw pa lang daw kasi ang bangko nila ng Hanggang Saan at paalis siya ng Nobyembre 14, 15, 16 papuntang Singapore para sa opening ng isang store ng Beautederm. Pagbalik ng Pilipinas, diretso siya sa presscon ng Hanggang Saan. Bukod sa Hanggang Saan ay panay din ang promote niya ng indie movie niyang

‘Nay na mapapanood na sa Nobyembre 13 kasama sina

Enchong Dee at Jameson Blake mula sa Cinema One Originals sa direksiyon ni

 ??  ?? Sylvia
Sylvia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines