Balita

Nyoy, tampok bilang guro ng mga katutubo sa ‘MMK’

-

PANOORIN si Nyoy Volante ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya bilang guro na ginamit ang musika upang itaguyod ang pamilya at makapagbig­aylingkod sa kanyang komunidad.

Simula pagkabata, hilig na ni Joel (Nyoy) ang musika. Dahil na rin sa kanyang amang haranista, nagpatuloy ang pagmamahal ni Joel sa musika hanggang siya ay umabot sa kolehiyo. Pansamanta­lang natigil ang pangarap ni Joel na maging mang-aawit para pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aaral upang maging guro. Nang maging ganap na guro, ginamit niya ang kaalaman pa ra magturo sa mga katutubo sa bundok na salat sa maayos na kagamitan o pasilidad pangeskuwe­la.

Gamit ang musika, paano niya mababago ang kalagayan ng mga batang tinuturuan niya? Ano ang mga hamon na kanyang kakaharapi­n?

Makakasama niya Nyoy sa upcoming episode sina Antoinette Taus, Marlo Mortel, Louise Abuel, Boboy Garovillo, Suzette Ranillo, at Marc Santiago mula

sa panhulat nina Mae Rose Balanay at Arah Jell Badayos at sa direksiyon ni Dado Lumibao.

 ??  ?? Nyoy
Nyoy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines