Balita

L.A. detectives, ibinasura ang pedophilia investigat­ion na isinampa ni Corey Feldman

-

IBINASURA ng Los Angeles police authoritie­s ang imbestigas­yon sa mga elegasyon ng pedophilia ni Corey Feldman.

Opisyal na nagbigay ang dating child actor ng police report hinggil sa kanyang sexual abusers nitong nakaraang linggo, nang hamunin siyang magbanggit ng pangalan nang lumabas siya sa show ni Dr. Oz Mehmet.

Isinuhesti­yon ni Oz na kailangang tumawag ng pulis ang kanyang kinakapana­yam, nang ulitin ng The Lost Boys star ang kanyang mga isiniwalat na siya ay ilang beses na inabuso ng mga lalaki noong siya ay teenager pa.

Tinawagan ni Corey ang Los Angeles Police Department sa show at nagsampa ng report laban sa aktor na si John Grissom, kasabay ng pangakong dadalhin niya sa korte ang mga pedophiles upang makamit ang hustisya.

Nitong Lunes, inihayag ni Feldman na nakipag-usap siya sa mga awtoridad sa California upang talakayin ang kanyang mga isiniwalat at kinumpirma ng mga imbestigad­or na pinag-aaralan nila ang mga alegasyon.

Gayunman, kinumpirma ng tagapagsal­ita ng LAPD na ibinasura na nila ang imbestigas­yon. “We did investigat­e it but it’s out of (the statue of limitation­s) so we can no longer prosecute the case,” lahad ng tagapagsal­ita sa People magazine. Nagkomento naman si Feldman sa naganap at nagtweet ng: “MAYBE NOW U WILL #BELIEVE ME WHEN I SAY I NEED 2 DO IT MY WAY...”, kasama ang link ng artikulo ng E! News. Sa panayam ni Dr. Oz, isiniwalat ni Feldman na ibinigay niya sa mga opisyal ng Santa Barbara Police Department ang mga pangalan ng umano’y nangmolest­iya sa kanya noong 1993, ngunit isinantabi lamang ang kanyang mga alegasyon. Sinabi naman ni Mehmet sa aktor na tinawagan niya ang Santa Barbara police officials, at sinabing wala na silang record ng statement ni Corey. Samantala, umaasa si Feldman na makakakala­p ng pondong $10 million (£7.6 million) upang makagawa ng pelikula hinggil sa umano’y pang- aabusong naranasan niya at ng iba pa sa kamay ng mga manyak sa Hollywood. Kamakailan ay sinabi niya sa U. S. morning show na kailangan niya ang pera upang natiyak ang set at kukuha rin siya ng mga taong magpoprote­kta sa kanya habang ginagawa ang pelikula.

 ??  ?? Corey
Corey

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines