Balita

Drake, ilang taon nang hinahanap ang $160,000 Harry Potter book

- Drake

HINDI lingid sa kaalaman ng lahat na mahilig sa magagandan­g bagay sa buhay si Drake. Sa pakikinig sa kanyang mga awitin malalaman na ang kanyang mga ninanais mula sa designer clothes hanggang sa mamahaling alahas at sosyal na mga kotse.

Ngunit ang pinakahaha­ngad ng superstar artist ay ang hindi pa napapasaka­may niyang librong Harry

Potter. At ito ay ang unang edisyon ng Harry

Potter. Kamakailan ay sinabi niya sa

Hollywood Reporter na ilang taon na siyang naghahanap ng kopya ng libro.

Aabot sa $160,000 ang halaga ng unang edisyon ng Harry Potter and the Sorcerer’s Stone. Sinabi ni Drake sa THR, “I should get (the book). My birthday’s coming up. Maybe I’ll buy it for myself as a treat.”

Ang Sorcerer’s Stone ang unang libro sa serye na nang ilunsad ito ay nagkagulo ang buong mundo. At bagamat nakakabigl­a ang Potter fandom ni Drake, naging vocal ang supertar sa kanyang social media account.

Noong 2014, nagpost pa siya ng litrato ng kontrabida­ng si Draco Malfoy na naka- photoshop ang kanyang mukha. Simula nang makapanaya­m ng

THR, ipinagdiwa­ng niya ang kanyang ika31 kaarawan, ngunit hindi niya sinabi kung maglalabas siya ng ganoon kalaking halaga para mapakasama­y ang librong Sorcerer’s Stone.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines