Ika-75 labas
SINIMULAN na nga nina Mang Edgardo, Santy at Gondoy ang pagtatayo ng bahay bakasyunan ni Mang Daniel at tuwang tuwa ito sa kahihitnan ng maliit na gusali, dahil ayon ito sa kanyang kagustuhan.
“Mang Edgardo, ibig ninyong sabihin, may pagkakataong ding nasusunod ang may-ari ng ginagawang gusali o bahay sa disenyo o pagkakagawa?” Tanong ni Santy.
“Hindi lang minsan, Santy,” sagot ni Mang Edgardo. “Sa lahat ng pagkakataon, higit kung residential o bahay-bakasyunan ang ginagawa!”
“Siguro ho kaya nagaganap ang ganoon pangyayari, dahil ang may-ari ng bahay ang gumagastos,” wika ni Gandoy.
“Tama ka, Gandoy,” sagot ni Mang Daniel. “Walang labis, walang kulang ang iyong sinabi, saktong-sakto.Alam mo naman dito sa lupa, minsan Diyos ang salapi!”
“Hindi lang minsan, pare,” wika ni Mang Edgardo. “Sa lahat ng pagkakataon at hindi lang sa ating bansa, sa lahat ng bansa sa mundo!”
Matapos magmeryenda, saglit na nagpahinga sina Mang Edgardo, Gandoy at Santy sa pagtatrabaho sa bahay-bakasyunan ni Mang Daniel sa paniniwalang dapat matunaw kahit bahagya ang pagkaing inilaman sa tiyan. Habang nagpapahinga, tuloy sila sa kuwentuhan sa iba’t-ibang bagay na may kinalaman sa trabaho sa construction na nais matutunan at gawing hanapbuhay nina Gandoy at Santy para makapanirahan sa Metro Manila.
Matapos ang saglit na pagpapahinga, umalis na si Mang Daniel sa ipinapatayong bahaybakasyunanpara bumalik sa bahay ni Mang Edgardo at maghanda naman sa pagluto ng tanghalian. Ginagawa niya ito sa pagnanais naagad matapos ang ipinapagawang bahay-bakasyunan upang muli, makapanirahan sa lugar kung saan isinilang at lumaki.
“Kumpleto na ang pag-aaral natin sa ikot ng buhay ni Mang Daniel,” wika ni Harry.“Puwede na natin isagawa ang balak na pagkidnap sa kaniya!”
“Kung gayon, sabihin na natin kay Don Andres na isagawana ang balak niya,” sagot niSendong.
“Dapat lang,” wika ni Harry. “Kailangan ko ng dagdag na kita para mapaibig ang tsiks sa beerhouse na madalas nating pagtambayan!”
“Paano ‘yun siyota mo sa beerhouse sa kabilang bayan?” Tanong ni Sendong. “Huwag mong sabihing papalitan mo ng gano’n-gano’n lang dahil matagal mo na siyang hawak!”
“Hindi ko siya papalitan, dadagdagan,” sagot ni Harry. “Alam mo naman tayong mga lalaki, mahilig tumikim ng iba’tibang putahe!”
“Tama ka,” wikani Sendong. “Talagang ganyan ang lalaki, mahilig tumikim ng iba’t-ibang babae. Ako nga, binabalak tikman ‘ yun kumare kong maganda at seksi!”
“Kaya dapat nating pagbutihin ang pagtrabaho kay Mang Daniel,” wika ni Harry. “Dahil kapag pumalpak, wala ng datung, kalaboso pa!”
“Tama ka,” sang-ayon ni Sendong. “At tiyak, kapag nakulongtayo,
Sa bilibid dahil mabigat daw na kaso ang kidnapping!”
“Hindi lang mabigat, Sendong,” wika ni Harry. “Kung hindi napakabigat kaya kapag nagtago tayo at hindi sumuko sa ibinigay na ultimatum ang gobyerno kapag sumabit, shoot to kill order tayo!”
Hindi sumagot o nagbigay ng komento si Sendong sa sinabi ng lider ng kanilang grupo bilang tauhan ni Don Andres Hamoria na nagmamay-ari ng malawak na lupain sa barangay Bayanbayan.
At dahil pangkaraniwan ng may bumabiyaheng motorsiklo sa barangay road ng Bayan-bayan, hindi umakit ng pansin ang dalawang tauhan ni Don Andres sa mga taga barangay. Dalawang taong lingid sa kanilang kaalaman, may masamang binabalak para patuloy na mailihim ang isang karumal-dumal na krimeng mahigit dalawampung taon na ang nakakaraan ng maganap, na ang utak, si Don Andres Hamoria. Itutuloy...