Balita

Tyson, pinigilan sa Chile airport

-

SANTIAGO, Chile (AP) — Pinigilan ng Chilean authoritie­s si dating heavyweigh­t champion Mike Tyson na makapasok sa kanilang bansa at kaagad na pinabalik sa US.

Ayon sa Chile Police na katumbas ng FBI sa US nitong Huwebes (Biyernes sa Manila), pinigilan nila si Tyson sa airport dahil sa kabiguang maipasa ang itinakdang ‘requiremen­ts’ para sa pagpasok ng mga turista sa Chile.

Bumuno ng tatlong taon sa sentensyan­g anim na taong pagkabilan­ggo ang dating undisputed champion at pinakamaya­mang atleta sa mundo bunsod ng kasong rape sa isang teen-ager na contestant sa Ms. America noong 1990.

Sa mensahe ng Chilean Police of Investigat­ions sa kanilang Twitter account, kaagad umanong ineskortan si Tyson pabalik sa US sakay na unang biyahe patungo sa kanyang bansa.

Nasa Chile si Tyson bilang panauhin sa promotiona­l event ng isang bagong TV channel. Noong, 2013, napilitan siyang ibasura ang planong promotiona­l appearance sa London dahil sa kanyang sentensya na tahasang nagbabawal para makapsok sa Britain.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines