Balita

Cavs, sabog sa Rockets

-

HOUSTON (AP) – Nabitiwan ng Rockets ang maagang bentahe, ngunit matikas na nakabalikw­as sa krusyal na sandal para gapiin ang Cleveland Cavaliers, 117113, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Nagsalansa­n si James Harden ng 35 puntos mula sa 8-of21 shooting, kabilang ang 6-of-14 sa three point area para sa ikaapat na sunod na panalo ng Houston at 9-3 marka.

Balik sa pagkalumo ang Cavs matapos ang dikit na panalo sa Milwaukee para sa 5-7 karta.

Nanguna si LeBron James sa naiskor na 33 puntos, habang kumana si Jeff Green ng 27 puntos mula sa bench para sa Cleveland.

RAPTORS 122, PELICANS 118

Sa Toronro, hataw si DeMar DeRozan sa nakubrang 33 puntos, habang nagtumpok si Serge Ibaka ng 19 puntos sa panalo ng Toronto Raptors sa New Orleans.

Kumubra si Kyle Lowry ng 18 puntos at tumipa si Jonas Valanciuna­s ng game-high 13 rebounds para sa ika-13 panalo sa 19 na laro ng Raptors sa New Orleans.

Ratsada si Jrue Holiday sa natipang season-high 34 puntos at 11 assists, habang kumana si DeMarcus Cousins ng 20 puntos at 15 rebounds para sa Pelicans.

Nag-ambag si Anthony Davis ng 18 puntos at tumipa sina E’Twaun Moore at Dante Cunningham ng 13 at 11 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

WIZARDS 111, LAKERS 95

Sa Washington, pinangunah­an nina All-Star point guard John Wall at Bradley Beal sa naiskor na 23 at 22 puntos, ayon sa pagkakasun­od ang Wizards kontra Los Angeles Lakers.

Nag-ambag si Otto Porter Jr. ng 20 puntos at 11 rebounds, habang tumipa si Markieff Morris ng 16 puntos sa 6-of-7 shooting sa Washington.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Sacramento Kings kontra Philadelph­ia, 109-108.

 ?? AP ?? HINDI nakaporma si Lakers rookie Lonzo Ball sa bilis ng beteranong si John Wall ng Washington Wizards.
AP HINDI nakaporma si Lakers rookie Lonzo Ball sa bilis ng beteranong si John Wall ng Washington Wizards.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines