Balita

Ravena, pumirma na sa NLEX

-

TULAD ng inaasahan, lumagda ng maximum salary para sa isang rookie ang No.2 pick na si Kiefer Ravena sa NLEX.

Kasama ang kanyang magulan na sina dating PBA player Bong at dating collegiate volleyball star Mossy Rivera, pumirma ang 24-anyos two-time UAAP MVP ng tatlong taong kontrata na nagkakahal­ag ng P8.5 milyon sa Metro Pacific Tollways Corporatio­n office sa Makati.

Batay sa kasunduan, tatanggap ang Gilas Pilipinas mainstay ng P150,000 kada buwan sa unang taon at tataas ng P225,000 kada buwan sa susunod na taon at P337,500 sa huling taon ng kontrata.

Sinaksihan ang contract signing nina NLEX big boss MPTC president Rod Franco at incoming PBA chairman Mon Fernandez at NLEX alternate governor Christophe­r Lizo.

“Very happy and excited to be part of NLEX,” pahayag ni Ravena

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines