Balita

UST, liyamado sa judo tilt

-

TARGET ng University of Santo Tomas na maidepensa ang kampeonato sa pagsikad ng UAAP Season 80 judo competitio­ns ngayon sa Sports Pavilion ng De La Salle-Zobel campus sa Ayala Alabang, Muntinlupa.

Magsisimul­a ang aksiyon sa men’s at women’s division ganap na 1:30 ng hapon.

Nakopo ng Growling Tigers ang ika- 12 titulo sa men’s division tangan ang 49 puntos, habang nakamit ng Tigresses ang ikatlong sunod na titulo sa women’s championsh­ip –at ikasiyam sa kabuuan – sa nakopong 74 puntos.

Pinangunah­an ni season MVP Daryl John Mercado ang hataw ng UST kontra Ateneo, sumegunda na may 36 puntos.

Napanatili naman ng Tigresses, sa pangunguna ni MVP Sueko Kinjho, ang dominasyon sa nakamit na 51 puntos laban sa runner-up University of the East.

Idedepensa rin ng UST ang titulo sa boys at girls sa junior division action sa 9:00 ng umaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines