P2.5M sa Cojuangco Cup ng Philracom
KABUUANG P11 milyon ang premyong nakalaan sa high-stakes racing, tampok ang Ambassador Eduardo M. Cojuangco Cup at San Miguel Beer- MARHO Breeders Championship Classic ngayong weekend sa Sta. Ana Racetrack sa Naic, Cavite.
Tatampukan ng tatlong record holder na Sakima, Shukriya at Smokin’ Saturday ang maaksiyong karera sa Linggo.
Liyamado ang SC Stockfarm’s Sakima, nakapagsumite ng record time na 1:50 sa1,800 meters nitong Oct. 1, sa Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup, pakarera bilang pagbibigay pugay kay San Miguel Corp. Chairman na isang institusyon sa industriya ng karera.
Sa gabay ni Jockey JA Guce, inaasahang mapapalaban ang Sakima sa stablemate na Hitting Spree (Jockey KB Abobo), Joseph Dyhengco’s Atomicseventynine (JT Zarate), Narciso Morales’ Messi (EG Esguerra) at Cool Summer Farm’s She’s Incredible (OP Cortez) sa Cojuangco Cup na may nakalaang P2.5 million.
PangungunahannamanngSmokin’ Saturday ni Roberto Inigo at Shukriya ni Amado Bagatsing ang raratsada sa Philippine Racing Commission’s 2nd Leg 3YO Imported Fillies Stakes na may nakalaang P500,000.
Hawak ng Shukriya, sasakyan ni MM Gonzales, ang record time na 1:11.0 sa 1,200 meters nitong Oct. 1, habang ang Smokin’ Saturday, gagabayan ni JT Zarate at may markang 1:37.6 sa 1,600 meters nitong Oct. 22.
Ang MARHO ( Metropolitan Association of Race Horse Owners) Breeders Classic Championship ay ang huling karera sa three-leg series.
Ang iba pang karera sa Linggo ay Mayor Leonardo “Sandy” Javier Jr. Thanksgiving Cup 3YO Colt Mile, Andoks Litson Corp. Cup-3 YO Filly Mile, MARHO Breeders Championship 2YO Juvenile Colts at PCSO-backed Sprint Race.