Balita

PARANG BOLICK!

Lyceum star CJ Perez, tinanghal na MVP; Red Lions, wagi sa Game 1, 94-87

-

TINANGHAL na Most Valuable Player si CJ Perez sa Season 93 ng National Collegiate Athletic Associatio­n ( NCAA) sa simpleng seremonya kahapon bago ang championsh­ip match sa pagitan ng Lyceum of the Philippine­s at San Beda College.

Tinalo ng offguard na si Perez para sa prestihiyo­song individual award ang mahigpit ns katunggali­ng sina University of Perpetual Help Cameroonia­n center Prince Eze at San Beda College forward Javee Mocon upang tanghaling unang local player sa nakalipas na tatlong taon na naging MVP.

Huling nagwagi ang homegrown talent sa MVP plum noong 2014 nang tampukan ni Scottie Thompson ng Perpetual.

Nahirang naman sa Mythical Team sina Eze at Mocon gayundin sina Mike Nzeusseu ng Lyceum,at Sidney Onwubere ng Emilio Aguinaldo College.

Nagwagi naman bilang outstandin­g rookie si Jaycee Marcelino ng Lyceum habang Most Improved Player naman si Jed Mendoza ng JRU.

Pinarangal­an din bilang Defensive Player of the Year si Eze na siya ring namuno sa Defensive Team na kinabibila­ngan din nina Christian Buñag ng Mapua, Abdulrazak Abdulwahab ng JRU, Onwubere at Nzeusseu.

Pinagkaloo­ban naman ng Sportsmans­hip award ang koponan ng Jose Rizal College Heavy Bombers.

Sa gitna nang hiyawan at pagbubunyi ng mga mga tagasuport­a at alumni ng Lyceum, umarangkad­a ang San Beda Red Lions para makuha ang Game One, 94-87, sa kanilang best-of-three title series at momentum para sa kanilang hinahangad na maidepensa ang korona.

Hataw si Robert Bolick sa naiskor na 24 puntos, kabilang ang 11 sa final period para sandigan ang Red Lions sa dikitang laban.

Sa junior class, naungusan ng La Salle Greenhills ang Mapua, 74-68, sa Game One ng kanilang best-of-three series.

Natabunan ni Joshua David sa naiskor na 17 puntos ang MVP award ng karibal na si Will Gozum matapos madomina ng Greenies ang reigning defending champion Red Robins.

Nakatakda ang Game Two sa Huwebes kung saan target ng LSGH na tapusin ang serye at angkinin ang unang NCAA crown mula nang maging istitusyon noong 1959.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines