Balita

Kumpiyansa sa Code of Conduct nego

- Roy C. Mabasa

Naghahanda ang mga lider ng Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) at ang China sa pagsisimul­a ng negosasyon para sa pagkakaisa­hang Code of Conduct (COC) sa South China Sea kapag sila ay nagpulong sa Maynila sa Martes.

“We expect the leaders to announce the negotiatio­ns but the actual start of the negotiatio­ns will probably happen sometime next year,” pahayag ni Foreign Affairs Spokesman Robespierr­e Bolivar sa press conference sa Internatio­nal Media Center ngayong weekend.

Sinabi ng DFA spokesman na inaasahang tatalakayi­n ng mga lider bukas, Nobyembre 13, ang usapin at ipahahayag ang pormal na pagsisimul­a ng negosasyon ng aktuwal na COC na pinagtibay nitong Agosto 6 sa pulong ng mga foreign minister sa Manila.

Ipinaliwan­ag niya na iyon ang magiging balangkas ng Code at batayan ng negosasyon.

Ayon kay Bolivar, pangunahin­g papel ang gagampanan ng Pilipinas dahil ito na ang hahalili bilang country coordinato­r ng relasyong ASEAN-China simula sa susunod na taon kapag nagsimula na ang negosasyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines