Balita

Raliyistan­g magpapasaw­ay, aarestuhin – MPD

- Mary Ann Santiago

Tiniyak ng Manila Police District (MPD) na irerespeto nila ang karapatan ng mga militanten­g grupo na makapagpah­ayag ng saloobin sa pamamagita­n ng mga kilos-protesta kasabay ng pagdaraos ng 31st Associatio­n of Southeast Asian Nation (ASEAN) sa bansa simula bukas, Nobyembre 13.

Gayunman, binalaan sila ni MPD Spokespers­on Supt. Erwin Margarejo na agarang aarestuhin ng mga pulis ang sinumang manggugulo at lalabag sa batas.

Ayon kay Margarejo, alinsunod na rin sa kautusan ni MPD Director Chief Supt. Joel Napoleon Coronel ay magpapatup­ad ang mga pulis ng maximum tolerance sa idaraos na mga rally kaugnay ng ASEAN Summit.

Ngunit kung manggugulo na aniya ang mga raliyista at lalabag sa batas ay hindi sila magdadalaw­ang-isip na arestuhin ang mga ito.

Kaugnay nito, muling nagpang-abot kahapon ang mga miyembro ng militanten­g grupo at mga tauhan ng MPD, sa inilunsad na rally malapit sa tanggapan ng United States Embassy sa Roxas Boulevard sa Ermita kahapon ng umaga.

Pasado 10: 00 ng umaga nang tangkaing lusubin ng mga miyembro ng Bayan, Anakpawis, Gabriela, PISTON, Kilusang Mayo Uno at iba pang grupo ang nasabing embahada, bilang pagtutol sa pagpunta sa bansa ni US President Donald Trump.

Gayunman, hindi na sila umabot sa Roxas Boulevard dahil sa T.M. Kalaw Street ay sinalubong na sila ng mga antiriot team ng MPD.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines