Balita

24 na dayuhan huli sa pamemeke ng credit card

- Bella Gamotea

Dinakma ang 24 na dayuhan na umano’y sangkot sa pamemeke ng credit card, sa pagsalakay ng awtoridad sa tatlong bahay sa eksklusibo­ng subdibisyo­n sa Makati City, nitong Biyernes ng gabi.

Kasalukuya­ng isinasaila­lim sa beripikasy­on at interogasy­on ang 15 Chinese, pitong Vietnamese at dalawang Russian na pawang nasa kustodiya ng Makati City Police.

Sa ulat na ipinaratin­g sa Southern Police District (SPD), nagsilbi ng search warrant ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Makati City Police sa No. 2170 at No. 2234 Paraiso Street, at 2383 Mabolo St., Dasmariñas Village ng nasabing lungsod, dakong 10:30 ng gabi.

Nakatangga­p ng impormasyo­n ang awtoridad hinggil sa ilegal na operasyon ng mga suspek dahilan upang humiling ang pulisya ng search warrant kay Makati Regional Trial Court Branch 58 Judge Eugene Paras.

Dahil dito, matagumpay na naaresto ang mga suspek at nakumpiska ang iba’t ibang credit card, computer, laptop, cell phone, router, drones, broadband, at dangles.

Nakatakdan­g sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 8484 o Access Devices Regulation Act.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines