Balita

Helper natagpuang patay ng katrabaho

- Kate Louise Javier

Hindi na humihinga ang isang helper nang matagpuan sa loob ng kanyang kuwarto sa kanilang office warehouse sa Caloocan City, nitong Biyerness ng hapon.

Patay na nang matagpuan si Bernardo Madraga, 23, ng kanyang kanyang katrabaho na si Marvin Tiempo, 21, sa loob ng kanyang kuwarto sa bodega ng Intercor Food Product sa Barangay 168, Deparo, Caloocan City, bandang 1:15 ng hapon, ayon sa pulis.

Sinabi ni Tiempo sa mga imbestigad­or na nagtataka siya kung bakit hindi pa nagigising si Madraga, kaya nagpunta siya sa silid ng katrabaho kung saan niya ito natagpuang nakahilata at hindi na humihinga.

Agad nagpasaklo­lo si Tiempo sa awtoridad.

Walang nakitang sugat sa bangkay ng biktima, ayon sa mga imbestigad­or.

Patuloy ang imbestigas­yon sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines