Balita

27 nasaktan sa karambola

- Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac - Aabot sa 27 katao ang duguang isinugod sa Concepcion District Hospital makaraang magkarambo­la ang limang behikulo sa SCTEX Road sa Barangay Talimundok San Miguel sa Concepcion, Tarlac, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa imbestigas­yon ni PO1 Emil Sy, sangkot sa karambola ang Mitsubishi Montero (conduction sticker: BOQ-165) na minamaneho ni Maverick Cordero, 28, may asawa, ng Taytay, Rizal, na may limang pasahero, gayundin ang Chevrolet Captiva (AAA-6083) na minamaneho ni Yao Shi, 31, Chinese, ng Taguig City, na apat naman ang pasahero.

Sangkot din sa karambola ang Nissan Urvan (TJI-269) na minamaneho ni Jennilyn Mercado, 41, may asawa, ng San Fernando City, Pampanga, na may tatlong sakay; ang Isuzu Crosswind (NXQ-637) na minamaneho ni John Leo Adolfo, 33, may asawa, ng Antipolo City, Rizal, na may anim na pasahero.

Tatlo naman ang lulan sa Nissan Navara (ATA-2029) na minamaneho ni Leo Adolfo, 67, may asawa, ng Antipolo City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines