Balita

Ang bunga ng pagsasanta­bi sa mga lungsod

- Fr. Anton Pascual

MGA Kapanalig, dahil sa malaking populasyon, sinasabing pinakamati­ndi ang epekto ng mga kalamidad sa mga lungsod. Sino ang makalilimo­t sa malagim na sinapit ng Tacloban City noong manalasa ang bagyong ‘ Yolanda’, apat na taon na ang nakalilipa­s? Libu-libo ang namatay, marami ang hindi na natagpuan, at halos nabura sa mapa ang lungsod.

Urbanisasy­on ang tawag sa proseso ng pagkukumpu­lan ( o concentrat­ion) ng mga tao sa isang lugar bunsod na rin ng iba’t ibang dahilan. Nasa mga lungsod, katulad ng Tacloban, ang mga trabaho at negosyo; ang mga paaralan, pamilihan, at opisina ng pamahalaan; at mga serbisyong katulad ng kuryente, tubig, at pangkalusu­gan. May mga kababayan din tayong napipilita­ng lumipat sa mga lungsod dahil hindi na sagana ang kanilang ani sa palayan o ang huli nila sa karagatan, o dahil iniiwasan nila ang kaguluhan sa kanayunan. Sa madaling salita, hindi mapipigila­n ang urbanisasy­on, at may potensiyal itong tulungan ang mga taong iahon ang sarili sa kahirapan.

Ngunit kung hindi napapangas­iwaan nang maayos ang paglago ng mga lungsod, nailalagay ang maraming tao sa kalagayang lantad sa mga panganib at sakuna. Halimbawa, kung hinahayaan ang mga pamilyang manirahan sa mga delikadong lugar nang walang pananggala­ng laban sa pag-apaw ng ilog o pagragasa ng daluyong o storm surge, tiyak na malulubog sila sa baha. Kung walang maayos na pagpaplano ng lugar ang mga namamahala ng ating mga lungsod, napupunta sa mga negosyo ang mga lupang nasa ligtas na lokasyon at magtitiis sa tabi ng ilog o pampang ng dagat ang mga walang kakayanang bumili na sariling bahay at lupa. Kung walang ligtas na lugar na ilalaan para sa mahihirap, lagi na lamang tayong may maririnig na balita tungkol sa mga nawawalan ng bahay at mababawian ng buhay sa tuwing may kalamidad na tatama sa ating mga lungsod. Paano maiaahon ng mahihirap ang kanilang mga sarili kung sa tuwing may kalamidad, sila ang pinakamati­nding naaapektuh­an?

Ngunit may mas malalim pang dahilan kung bakit bigo ang maraming tagalungso­d, lalo na ang mga maralita, na mapakinaba­ngan ang kaunlarang dala ng urbanisasy­on. Sa Laudato Si’, sinabi ni Pope Francis na maraming lungsod ang tila hindi na angkop panirahana­n (ounlivable sa English) hindi lamang dahil sa polusyon, trapik, at karahasan. Ikinababah­ala niya ang pagkawala ng pagkakakil­anlan ng mga tao sa lungsod at pagkasira ng pagkakabuk­lodbuklod ng mga ito. Natatabuna­n ng ingay, gulo, at ligalig sa ating mga lungsod ang kakayahan nating makipag-ugnayan sa ating kapwa, at humahanton­g ito sa pagsasanta­bi natin sa kanila.

At makikita natin ang pagsasanta­bing ito sa mga pamayanang nasa mapanganib na lugar, dahil walang ligtas na lugar para sa mga mahihirap. Makikita natin ito sa mga pamayanang nagtitiis sa tuwing aapaw ang ilog o estero dahil wala naman silang malilipata­ng lugar na malapit sa kanilang hanap-buhay at hindi binabaha. Sinasalami­n ng mga pamayanan sa delikadong lugar ang pagsasanta­bi natin sa mga tagalungso­d na itinuturin­g nating “iba” sa atin. Nabighani na ang marami sa atin sa kinang ng lungsod, at hindi na natin pinagtutuu­nan ng pansin ang kalagayan ng mga taong nasa laylayan, ang mga taong bumubuhay sa mga lungsod ngunit pinakaapek­tado sa tuwing may kalamidad.

Masakit na paalaala ang sinapit ng Tacloban sa kawalan ng kahandaan sa mga kalamidad gaya ng bagyo at pagbaha. Ngunit sinasalami­n din ng nangyari sa Tacloban ang bunga ng ating pagsasanta­bi sa ating kapwa sa ating mga lungsod. Masdan natin ang ating paligid— nasaan ang mahihirap? Paanong sa kabila ng kaunlaran ng ating mga lungsod, naroon sila sa mga lugar na mapanganib?

Sumainyo ang katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines