Balita

KathNiel, tumutulong para mapunan ang kinukulang na dugo sa blood bank

- Ni ADOR SALUTA Daniel at Kathryn

TUMUTULONG

sa Philippine National Red Cross ( PNRC) sina Kathryn

Bernardo at Daniel Padilla sa pangangala­p ng maraming dugo para maging sapat ang suplay sa mga pasyenteng nangangail­angan nito. Isa ito sa mga advocacy na itinataguy­od ngayon ng lead stars ng La Luna Sangre.

Sa bloodletti­ng activity nitong November 5 sa PNRC building sa EDSA corner Boni Avenue ay maagang dumating ang supporters and fans na nag-organize ng event pati na ang mga taong boluntaryo­ng nag-donate ng dugo.

Panay ang himok ni Daniel sa lahat ng mga kababayan natin na gustong mag-donate ng dugo na maaaring magsadya sa opisina ng Red Cross. Layunin ng advocacy na laging may kapalit ang mga dugo sa blood bank na kinukuha para maisalin sa mga pasyente.

“Kinukulang tayo ng dugo. Kinukulang po tayo ng donasyon ng dugo. Kaya po nandito kami ngayon para maging aware tayo na kinukulang tayo. Kailangan po nating mag-donate,” panawagan ni Daniel.

Ayon sa gumaganap na bidang si Tristan ng La Luna Sangre, hindi masakit ang magpakuha ng dugo. “Sa umpisa ang medyo masakit kasi tutusukin ka ng karayom, pero after that, wala na. Isipin mo na lang na nakatulong ka sa mga tao at bigla ring mawawala ‘yung sakit,” pangungumb­insi ni Daniel. “Masarap mag- donate dahil nakakatulo­ng tayo to save lives,” dugtong pa ng binata. Inamin naman nina Daniel at Kathryn na hindi pa sila nakapag-donate ng dugo nang araw w na iyon dahil hindi sila a qualified. Ang dahilan, , kababalik lang nila ng Pilipinas s mula Singapore at kailangan pa a silang mai-check pagkaraan ng ilang araw w kung safe na silang mag-donate ng blood. “Pero ako po, dati nakapag-donate na a ako,” sabi ni Daniel. Samantala, patuloy na namamayagp­ag g sa ratings ang La Luna Sangre na a ipinagpapa­salamat ng KathNiel. “Patuloy po naming gagawin ang best t namin para makapagbig­ay ng magandang g teleserye sa inyo. Sobrang salamat po o mga nanonood at sumusuport­a sa amin,” ” pahayag ng nangunguna­ng love team m ngayon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines