Balita

Gusot sa PBA Board, gusot pa rin

- Ni MARIVIC AWITAN

POSIBLENG manatili ang dibisyon sa imga miyembro ng PBA (Philippine Basketball Associatio­n) board makaraang hindi sumama ng ilang miyembro sa pag -alis ng grupo patungong Los Angeles para sa taunang planning session.

Hindi kabilang ang tatlo sa tinagurian­g 7-man MVP block na nagtutulak sa pagbibitiw ni Commission­er Chito Narvasa ang hindi sumama sa biyane kahapon para sa taunang ‘planning session’ ng liga.

Ang tatlo ay sina dating chairman Patrick Gregorio ng TNT KaTropa, Mamerto Mondragon ng Rain of Shine at Raymond Zorilla ng Phoenix Petroleum.

Matatandaa­ng ang tatlo kasama ng mga kinatawan ng Meralco, NLEX, Blackwater at Alaska ay nauna nang nagpahayag ng pagkawala ng kanilang kumpiyansa kay Narvasa.

Taliwas naman ang pananaw ditto ng limang board representa­tives na tinagurian­g SMC block na sina San Miguel Beer representa­tive Robert Non, Rene Pardo ngy Star, Bobby Rosales ng Kia, Siliman Sy ng Blackwater at Eric Arejola ng GlobalPort.

Sina Arejola at Alfrancis Chua ng Ginebra gayundin si Dickie Bachmann ng Alaska ay nauna nang umalis patungong Amerika.

Ang incoming chairman ng liga na si Ramoncito Fernandez ng NLEX, ay hindi rin umano dadalo sa planning session kahit na magtutungo rin ito ng LA at inaasahang dumating doon ng Nobyembre 13 - Lunes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines