Trump kay Duterte: See you tomorrow
DA NANG, Vietnam – Matapos ang ilang buwang paghihintay, tuluyan
nang nakadaupang-palad ni Pangulong Duterte si United States President Donald Trump sa regional summit sa Vietnam nitong Sabado.
Sandaling nagkausap ang dalawang world leader habang naka-break matapos ang unang retreat session ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) economic leaders sa Da Nang.
“It was a brief meeting. I got information from Secretary Bong Go who is the Special Assistant of the President that although it was short, it was warm and cordial. And President Trump reportedly told President Duterte that he will see him tomorrow,” sabi ni Presidential spokesman Harry Roque sa mga mamamahayag na nagsama-sama sa International Media Center dito.
“That’s because the US President is flying to the Philippines for the ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) summit tomorrow,” dagdag niya.
Sinabi ni Roque na ang dalawang leader, na una nang nagkausap sa telepono, ay “genuinely pleased to have finally met in person.”
Ibinahagi rin ni Presidential Assistant Christopher Go sa media ang litrato ng Pangulo na kasama sina Trump at Australian Prime Minister Malcolm Turnbull sa kasagsagan ng APEC summit.
Nang tanungin kung kumusta ang pagpupulong, sinabi ni Go na: Short lang sabi nila ‘see you tomorrow’”.
Matapos dumalo sa APEC summit dito, nakatakdang bumisita si Trump sa Pilipinas ngayong linggo upang dumalo sa 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit.
Habang nasa Maynila ng tatlong araw, inaasahang makikipagpulong ang US leader kay Duterte kaugnay ng bilateral concerns at mga isyu katulad ng tensiyon sa Korean peninsula at ang isyu tungkol sa South China Sea.
Una nang sinabi ni Duterte na hindi na siya makapaghintay sa “interesting” na pakikipagusap kay Trump, tinukoy ang kanilang pagkakapareho.
“Yes, of course because I feel that we share so many ideas along the same line of problems of governance,” sinabi ni Duterte sa Manila-based reporters nitong Huwebes ng gabi, nang tanungin kung sabik na siyang makaharap si Trump.
“I know that I’d have an interesting time with him,” sabi ng Pangulo, idinagdag niyang aalukin niya ang US leader ng isang “good handshake.”
Inamin ng Pangulo na tatanggapin niya ang anumang suporta mula sa US pagdating sa pagpuksa sa ilegal na droga ngunit hihilingin kay Trump na “lay off” kapag binanggit ang isyu tungkol sa human rights.
“If you want to help, help,” sinabi ni Duterte sa US sa gitna ng kontrobersiyal na pagpuksa sa ilegal na droga, na ikinasawi ng mahigit 3,000 katao.
“If it’s also your problem, then look at it in the aspect of a social problem, then you begin to dig why how many were… how it blossomed into something out of control,” dagdag niya.
Kapag binanggit ng US leader ang isyu sa human rights issue sa kanilang pagpupulong, sinabi ni Duterte: “Lay off, sir. That’s my business.”