Balita

Target ng Eagles: 14-game sweep vs Archers

Ateneo Blue Eagles, dadagit ng kasaysayan vs La Salle Archers

- Ni MARIVIC AWITAN

NAKALUSOT ang Ateneo Blue Eagles sa kanilang unang pagtutuos sa archrival La Salle Green Archers.

Ngayong nakataya ang kapirasong kasaysayan sa pahina ng UAAP men’s basketball, tatangkain ng Katipunan-based cagers na makaulit sa Batang Taft sa kanilang paghaharap ngayon sa pagtatapos ng doubleroun­d eliminatio­n ng Season 93 sa Araneta Coliseum.

Mas mataas ang nakataya sa laban, higit at magtatangk­a ang Blue Eagles na makumpleto ang 14game sweep sa harap ng Archers ngayon ganap na 4:00 ng hapon.

Kung mapagtagum­payan ng Ateneo ang hangarin, awtomatiko silang makakausad sa championsh­ip round. Sakaling alatin, tangan pa rin ng Blue Eagles ang twice-to-beat na bentahe sa Final Four series.

Nasa ikalawang puwesto ang La Salle (11-2) kasunod ang Adamson (9-4) at Far Eastern University (8-5).

Nakataya naman ang dangal sa paghaharap ng poareho nang sibak na University of Santo Tomas at University of the East ganap na 12:00 ng tanghali.

Asam ng Tigers na makaiwas sa posibilida­d na pagkabokya (13-0) sa unang pagkakatao­n sa prestihiyo­song collegiate league.

Target ng Blue Eagles na maulit kung hindi man mahigitan ang 7675 na panalo nila kontra Green Archers noong first round para sa target na outright finals berth.

Muling sasandigan ng Blue Eagles para sa hangad na sweep sina Thirdy Ravena, Matt at Mike Nieto, Isaac Go, Aaron Black, Jolo Mendoza, Chibueze Ikeh at Anton Asistio.

Sa kabilang dako, inaasahan namang mamumuno sa pagbawi ng Green Archers sina Ben Mbala, Ricci Rivero, Jolo Go, Kib Montalbo, Aljun Melecio at Andrei Caracut.

 ?? RIO DELUVIO ?? SIPAG at determinas­yon tulad sa mga nakalipas na laro ang kailangang mapanatili ng Ateneo Blue Eagles para makumpleto ang doubleroun­d eliminatio­n – laban sa mahigpit na karibal na La Salle Green Archers.
RIO DELUVIO SIPAG at determinas­yon tulad sa mga nakalipas na laro ang kailangang mapanatili ng Ateneo Blue Eagles para makumpleto ang doubleroun­d eliminatio­n – laban sa mahigpit na karibal na La Salle Green Archers.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines