Balita

Sheryl, bagong kontrabida sa ‘Impostora’

- Ni NORA CALDERON

MASAYA si Sheryl Cruz sa pagsali niya sa cast ng Impostora na pinagbibid­ahan ni Kris Bernal. Thankful siya na hindi siya natetengga sa projects sa GMA-7. Earlier this year, nasa cast din siya ng Once Again drama series at Meant To Be rom-com nina Barbie Forteza at Ken Chan kasama ang ka-Triplets niyang sina Manilyn Reynes at Tina Paner.

Nakapag-guest din siya sa iba’t iba pang show sa GMA-7, kaya nasabi niya sa sarili na next year na lang siya muling tataanggap ng project. Pero hindi niya natanggiha­n ang g magandang role na ini-offer sa kanya sa Impostora lalo pa’t alam niyang masugid itong sinusubayb­ayan ng viewers.

“Ako si Betty Romero na naging mabait kay Nimfa (Kris) nang makilala ko siya, pero hindi niya alam na ako ang tunay na ina ni Rosette (Kris),” kuwento ni Sheryl. “At later on Betty and Rosette will conspire against Nimfa. Pero galit sa akin si Rosette noong una, dahil pinabayaan ko sila ng kanyang ama, dahil addicted ako sa sugal kaya wanted ako ng loan shark, played by Marc Abaya, a, at nandoon na ang conflict sa story.

“No problem m sa akin kung kontrabida na naman ang role ko ngayon,” patuloy ni Sheryl. “Iyong dalawa ko namang natapos na teleserye, mabait naman ang role ko. Saka excited ako dahil first time kong makakasama sina Kris, Marc, Rafael Rosell, Assunta de Rossi at Renz Fernandez, na lahat mahuhusay na artista, lalo si Kris na bilib na bilib ako sa pagganap niya bilang sina Nimfa at Rosette, isang bida at isang kontrabida.” Biniro namin si Sheryl tungkol sa kanyang love life, dahil ten years na rin naman silang divorced ng kanyang ex-husband na si Umamin siya na she’s dating lamang, wala siyang boyfriend. “Mas gusto kong asikasuhin ang anak kong si Ashley, who’s 16 years old na ngayon. Open ang communicat­ions namin ng daddy niya pagdating sa anak namin. Tuwing summer ay pinapayaga­n ko si Ashley to be with her dad na siyang nagpo-provide ng education niya. Gustong kumuha ng Psychology ni Ashley after graduating from high school at maging isang doctor. “Gusto kong maexperien­ce ni Ashley ang love ng parents niya even if we’re not together anymore ng daddy niya. At kasundo naman niya ang girlfriend ng daddy niya.” Napapanood ang Impostora daily, after Ika-6 Na Utos.

 ??  ?? Sheryl
Sheryl

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines