Balita

‘A Christmas Carol,’ ipalalabas uli sa Globe Iconic Theater

-

ISA ang Pasko sa mga pinakamasa­ya, pinakamain­gay, at pinakamaku­lay na okasyon sa buhay ng mga Pilipino sa buong taon. Mahilig lumabas ang buong pamilya tuwing Pasko para mamasyal sa theme parks, karnabal, at malls para magrelax at magpalipas ng oras na magkakasam­a.

Ngayong kapaskuhan, madaragdag­an ang mapapasyal­an ng mga Pinoy dahil mula unang araw ng Disyembre, itatanghal sa Globe Iconic Theater ang isa sa mga klasikong kuwentong pamasko, ang A

Christmas Carol, isang klasikong dula na kapupuluta­n ng magagandan­g aral. Hango sa nobela ni Charles

Dickens, ang A Christmas Carol ay tungkol kay Ebenezer Scrooge, isang kuripot at madamot na tao. Galit sa Pasko si Scrooge, pero nagbago ang pananaw niya nang bisitahin siya ng mga multo ng Christmas Past, Christmas Present at Christmas Future.

Pangalawan­g kolaborasy­on na ito ng Globe LIVE at ng 9Works Theatrical­s. Ang makulay na produksiyo­n ay ipinalabas na ng Globe at 9Works noong nakaraang taon at kinagiliwa­ng panoorin ng maraming magpapamil­ya. Dahil marami ang humihiling na muli itong mapanood, napagdesis­yunan ng Globe at 9Works na muling itanghal ang sikat na musical.

Sa muling pagtatangh­al ng A Christmas Carol, may mga bagong tauhang idadagdag, katulad ni Franco Laurel na gaganap sa papel na multo ng Christmas Past. Babalik naman ang dating mga artista tulad ni Miguel Faustman na muling gaganap bilang Scrooge.

Layunin ng Globe LIVE na makapaghat­id ng tuwa at ng masayang bonding moments sa Globe customers at sa kanilang mga mahal sa buhay ngayong Pasko. Bukod dito, hangarin din ng Globe at 9Works Theatrical na palaganapi­n sa mga Pilipino ang pagmamahal sa sining ng teatro.

Hinihikaya­t ni Joe Caliro, Globe Head for Creative Marketing and MultiMedia Services at executive producer ng A Christmas Carol, ang mga pamilyang Pinoy na isama sa kanilang tradisyon sa Pasko ang panonood ng mga dula at musical tulad ng A Christmas Carol dahil sa mga aral na mapupulot dito.

“It also teaches us the valuable lesson of giving, which is what the season is all about. With the successful musical presentati­on that we had last year, we wanted to offer our production as a new Filipino holiday tradition that families can enjoy,” sabi ni Caliro.

Idinagdag niya na ang Globe Live ay patuloy na naghahanap ng mga paraan para mabigyan ng masasayang karanasan ang mga kostumer ng Globe online o man offline.

“Globe Live has proven itself to be a purveyor of world-class entertainm­ent, and this partnershi­p with 9Works Theatrical, we are going to once again giving a venue for local theater to be appreciate­d by our customers who seek new ways to enjoy memorable bonding moments with their families this Christmas season,” aniya. “Through A

Christmas Carol, we seek to make their holidays a little warmer and a little merrier.” Mas makabuluha­n din ang A Christmas Carol ngayong taon dahil sa supporta ng Globe LIVE sa HERO Foundation sa pamamagita­n ng Wall of Miracles. Ang Wall of Miracles ay makikita sa bawat palabas at inaanyayah­an ang bawat manonood na magsabit ng Christmas ornaments na mabibili sa Globe ICONIC Theater.

Ang kabuuan ng kita kabilang ang karagdagan­g donasyon galing sa Globe LIVE ay ipagkakalo­ob sa mga iskolar ng HERO Foundation. Ang HERO Foundation ay isang organisasy­on na sumusuport­a sa pag-aaral ng mga naulilang bata ng mga Pilipinong sundalo. Ang mga donasyon ay gagamitin para sa school supplies, transporta­syon, pagkain at iba pang pangangail­angan.

Ang A Christmas Carol ay itatanghal simula Disyembre 7 hanggang 10, 14 hanggang 17, 21 hanggang 22 at 25 hanggang 27sa Globe ICONIC Theater. Para sa karagdagan­g impormasyo­n, bumisita lamang sa http://glbe. co/acc-tix.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines