Balita

Fans nina Heart at Alex, guilty na sa sobrang kilig

-

INULAN ng paumanhin at paghingi ng pang- unawa ang Instagram accounts nina Alexander Lee at Heart Evangelist­a ng fans na pakiramdam daw nila ay nagkakasal­a sila sa asawa ni Heart na si Sen. Chiz Escudero.

Marami ang kinilig sa ipinost ni Heart sa kanyang account na picture nila ng leading man na nakasandal siya rito at tumatawa, at itinag ang account ni Sen. Chiz na hindi nila mapigilang kiligin kina Jun Ho at Gia sabay hingi ng paumanhin.

Naaliw siyempre ang mga bida sa naturang gestures, hindi naman nila kailangang magpaalam dahil maging si Sen. Chiz ay tumututok sa kanilang serye!

Okay lang ‘yan, #Jagiyas, tuluy-tuloy pa ring magpapakil­ig sina Heart at Alex sa My Korean Jagiya kaya dapat tutok lang para hindi mabitin!

Samantala, dadalo ang cast ng serye sa Giant Christmas Tree Lighting bukas, Linggo, 6 PM sa Robinsons Place Malolos sa pangunguna nina Heart, Alexander, Iya Villania, Edgar Allan Guzman, Myke Salomon, Khaine Dela Cruz.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines