Balita

Sri Lanka nababahala sa pagdami ng torture at rape allegation­s

-

GENEVA (AP) — Nahaharap ang gobyerno ng Sri Lanka sa tumitindin­g problema sa pagsagot sa umano’y human rights violations kasunod ng Associated Press investigat­ion na mahigit 50 lalaki ang nagsabing sila ay biktima ng panghahala­y at torture ngayong taon.

Ibinahagi ng mga lalaki ang pangaabuso­ng ginawa sa kanila halos isang dekada matapos matuldukan ang civil war ng Sri Lanka at ilang araw bago ang review ng top human rights body ng UN sa Indian Ocean nation.

Umapela ang mga doktor, psychologi­st, lawmakers at rights groups sa United Nations na imbestigah­an ang bagong alegasyon na inilathala ng The Associated Press nitong Miyerkules.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines