DEPED OFFICIAL NASAWI
Tulalang pinagmamasdan ng dalawang mag-aaral, na dadalo sana sa kanilang make-up class kahapon, ang pampasaherong van na sumalpok sa isang puno sa Bgy. Bacong, San Luis, Aurora maghahatinggabi nitong Biyernes. Nasawi sa aksidente si Emelyn dela Torre Macaraeg, assistant school division superintendent ng Aurora, habang sugatan naman ang apat na iba pa, kabilang ang driver.