Balita

Bahagi ng mall gumuho, 1 patay

- Fer Taboy

Patay ang isang constructi­on worker matapos bumigay ang ikalimang palapag ng isang ginagawang mall sa Bacolod City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing si Heracleo Abraham, 36, habang patuloy ang paghahanap sa iba pang obrero na naipit sa gumuhong gusali.

Dahil dito, ipinatigil muna ang konstruksi­yon habang patuloy ang search at rescue operations sa natitirang mga trabahador.

Samantala, tumangging magbigay ng pahayag ang pamunuan ng ginagawang mall.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines